A Journalist’s Code of Ethics

0

A Journalist’s Code of Ethics

I.        I shall scrupulously report and interpret the news, taking care not to suppress essential facts nor to distort the truth by omission or improper emphasis. I recognize the duty to air the other side and the duty to correct substantive errors promptly.

II.        I shall not violate confidential information on material given me in the exercise of my calling.

III.       I shall resort only to fair and honest methods in my effort to obtain news, photographs and/or documents, and shall properly identify myself as a representative of the press when obtaining any personal interview intended for publication.

IV.      I shall refrain from writing reports which will adversely affect a private reputation unless the public interests justifies it. At the same time, I shall write vigorously for public access to information, as provided for in the constitution.

V.      I shall not let personal motives or interests influence me in the performance of my duties; nor shall I accept or offer any present, gift or other consideration of a nature which may cast doubt on my professional integrity.

VI.      I shall not commit any act of plagiarism.

VII.     I shall not in any manner ridicule, cast aspersions on or degrade any person by reason of sex, creed, religious belief, political conviction, cultural and ethnic origin.

VIII.    I shall presume persons accused of crime of being innocent until proven otherwise. I shall exercise caution in publishing names of minors, and women involved in criminal cases so that they may not unjustly lose their standing in society.

IX.      I shall not take unfair advantage of a fellow journalist.

X.       I shall accept only such tasks as are compatible with the integrity and dignity of my profession, invoking the “conscience clause” when duties imposed on me conflict with the voice of my conscience.

XI.       I shall comport myself in public or while performing my duties as journalist in such manner as to maintain the dignity of my profession. When in doubt, decency should be my watchword.

 

(As adopted at the NPC Convention of April 30, 1988)

====

KODIGONG

PANGKAGANDAHANG ASAL NG MAMAMAHAYAG

 

I.                   Iuulat at ipaliliwanag ko ang balita nang tapat at iingatan kong huwag maikubli ang mahahalagang katotohanan o mabago ito dahil sa hindi pagpapahayag nito o sa pagbibigay ng diin sa mga bagay na hindi dapat bigyang-diin. Batid ko ang tungkuling ibigay ang pahayag ng kabilang panig at ang tungkuling iwasto agad ang malalaking pagkakamali.

II.                Igagalang ko ang kumpidensiyal na impormasyong nalaman ko dahil sa pagtupad ko sa aking tungkulin.

III.             Mga pamamaraang parehas at walang daya ang gagamitin ko sa pagsisikap na makakalap ng balita, mga larawan at/o mga dokumento, at ipakikilala ko nang tama ang aking sarili bilang kinatawan ng pamamahayag kapag magsasagawa ng ilalathalang personal na panayam.

IV.             Iiwasan ko ang pagsusulat nang labis na nakasisira sa  isang pangalan maliban kung ang ganito ay binibigyang katuwiran alang-alang sa kagalingan ng publiko. Gayon din, masigasig kong ipaglalaban ang madaling pagkuha ng publiko sa kailangang impormasyon, gaya ng itinatadhana ng konstitusyon.

V.                Hindi ko hahayaang maimpluwensiyahan ako ng mga personal na motibo o interes sa pagganap sa aking mga tungkulin; at hindi rin ako tatanggap ng anumang regalo o pagsasaalang-alang na maaaring maging dahilan ng pag-aalinlangan sa dangal ng aking propesyon.

VI.             Hindi ako magkakasala ng plagiarism.

VII.          Hindi ako manunuya sa anumang paraan, maninira ng puri, o mang-iinsulto ng sinumang tao dahil sa kanyang kasarian, paniniwala, pananampalataya, paninindigang pampolitika, pinagmulang kultura o etniko.

VIII.       Ipapalagay kong walang sala ang mga taong napaparatangan ng krimen hanggang sa mapatunayan ito. Mag-iingat ako sa paglalathala ng mga pangalan ng menor de edad at kababaihang nasasangkot sa mga kasong kriminal upang hindi masira nang walang katarungan ang kanilang katayuan sa lipunan.

IX.             Hindi ako mananamantala sa kapuwa mamamahayag.

X.                Tatanggapin ko lamang ang mga gawaing nababagay sa integridad at dangal ng aking propesyon, dumudulog sa “sugnay ng konsiyensiya” kapag ang mga tungkuling iniaatang sa akin ay sumasalungat sa tinig ng aking budhi.

XI.             Sa aking pagkilos, o pagsasagawa ng mga tungkulin bilang mamamahayag, pananatilihin ko ang dangal sa aking propesyon. Kapag may alinlangan, kagandahang-asal ang dapat na maging gabay ko.

Isinalin ng

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF)

s/p Sangay ng Pagsasalingwika

Puno, Gng. Elvira B. Estravo

Marso 16, 2011

Share.

About Author

Comments are closed.